Nabitin na implementasyon ng Metro Manila Flood Management Project, sinita ng isang senador

Sinita ni Senator Sherwin Gatchalian ang nabitin na implementasyon ng Metro Manila Flood Management Project bilang paghahanda sa banta ng La Niña phenomenon.

Ayon kay Gatchalian, nakakadismaya na makita na ang implementasyon ng programa ay inabot lang ng 6.52% kumpara sa target na 91%.

Nanawagan ang senador sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng catch-up initiative para maitaas ang completion rate.


Ang ₱23.50 billion flood control project ay pinaniniwalaang napakahalagang bagay para mapigilan ang mga pagbaha na dulot ng matinding pagulan na dala ng La Niña.

Dagdag pa ni Gatchalian, kung matapos ang proyekto sa itinakdang panahon ay malaki ang maitutulong nito para sa mga kababayan hanggang sa matapos ang taon na inaasahan ang mga epekto ng La Niña.

Facebook Comments