NABULAGA | 13, kalaboso matapos salakayin ang isang drug den sa Marikina City

80

Marikina City – Nabulaga at hindi na nakaporma ang nasa 13 katao matapos salakayin ng pulisya ang isang bahay na ginagawang drug den sa Barangay Parang, Marikina City.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon laban sa drug suspect na si Andres Manlutac sa Kaolin Street, Twin River Subdivision sa Barangay Parang kung saan huli sa aktong gumagamit ng shabu ang 12 pang parokyano nito.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 12 pakete ng shabu, P500 na buy-bust money at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at inaalam na kay Manlutac kung sino ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments