Nabunyag na pastillas modus ng ilang tauhan ng Immigration, ini-imbestigahan na

Tiniyak ng Bureau of Immigration na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Senador Risa Hontiveros kaugnay ng expose nito sa “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng immigration.

Partikular ang sinasabing pagtanggap ng suhol ng ilang BI personnel para mag-escort sa Chinese Philippine Offshore Gaming Operator o POGO workers.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hihingi ang BI ng mga detalye kay Hontiveros hinggil sa naturang expose nito para magamit sa kanilang imbestigasyon.


Nais aniyang matukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente kung sinu-sino ang mga nasa likod ng nasabing sindikato.

Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng mga mapapatunayang nasa likod ng modus.

Facebook Comments