NACOCOW 2024, PORMAL NG SINIMULAN; IBA’T IBANG AKTIBIDAD, TUNGHAYAN

CAUAYAN CITY – Pormal ng sinimulan ang National Correctness Conciousness Month 2024 sa pangunguna ni Provincial Jail Administrator Aldrin Coma, mula October 21-27, 2024.

Tampok ang iba’t ibang aktibidad tulad ng sportsfest, webinars, cultural programs, medical and dental check-up, Prison Sunday, Family Day, at Person’s Deprived of Liberty Livelihood Display.

Sa temang “Makataong pakikitungo, matinong pamumuno, at matatag na prinsipyo tungo sa maunlad na piitan,” ipinapakita dito ang mga talento ng mga PDL’s sa pamamagitan ng iba’t ibang patimpalak sa sports at pagiging malikhain.


Layunin ng okasyong ito na ipamulat sa publiko ang kahalagahan at karapatang pantao ng mga PDL’s.

Mahigpit naman na ipatutupad ang mga alituntunin at panuntunan para sa seguridad ng lahat ng dadalo sa selebrasyon, hinihikayat ang bawat isa, kabilang ang mga PDL’s, na makipagtulungan upang masiguro ang maayos at masayang pagdiriwang ng NACOCOW 2024.

Facebook Comments