NADADAMAY | Department of Health, umapela sa publiko na iwasang siraan ang vaccination programs ng gobyerno

Manila, Philippines – Umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng impormasyon na makakasira sa tiwala ng mga tao sa mga bakunang ipinagkakaloob ng gobyerno.

Ayon kay Duque, dahil sa walang basehang impormasyon sa Dengvaxia ay nadadamay ang mga bakunang napatunayang ng nakakapagpagaling.

Giit ni Duque, nakakabahala na posibleng magkaroon ng epidemya o malawakang pagkalat ng sakit dahil sa umiiral na takot sa mga bakuna ng gobyerno.


Facebook Comments