NADAGANAN │Apat na indibidwal, patay matapos mabagsakan ng 10 wheeler truck

Manila, Philippines – Patay ang apat na indibidwal matapos na madaganan ng 10 wheeler truck ang kanilang sinasakyan sa Brgy. Lag-asan Bago City Negros Occidental kahapon.

Sa ulat ng PNP ala-1:30 ng tanghali ng hapon kahapon habang tumatawid sa kahabaan ng Purok Malipayun, Brgy Atipuluan Bago City Negros Occidental ang 10 wheeler truck na minamaneho ni Herman Mohametano na patungo sa Bacolod City.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang itong natumba at bumagsak sa isang Hyundai Eon Sedan na minamaneho ni Runolo Espinosa residente ng Uriarte Subdivision La Carlota City.


Sa pagbasak ng 10 wheeler truck naipit ang driver nit at tatlong pasahero na sina Josephine Espinosa, Christine sarsia at isa pang lalaki.

Naisugod pa ang mga ito sa Bago City Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon nakakulong na sa Bago City Police Station ang drayber ng natumbang 10 wheeler truck.

Facebook Comments