NADAGDAGAN │Bilang ng mga Pilipinong apektado ng AIDS, tumaas

Manila, Philippines – Nababahala ang Department of Health (DOH) sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong apektado ng HIV virus sa bansa.

Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng DOH sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na posibleng aabot sa 313 libong na maaring apektado ng AIDS sa taong 2030 kung hindi agad maaagapan ang naturang sakit dahil sa ngayon ay umaabot na sa 46,985 na kaso ng HIV positive sa bansa simula noong January 1984 hanggang August taong kasalukuyan.

Paliwanag ng kalihim ang solusyon sa problema ng 31 kaso araw-araw na apektado ng HIV ay Impormation Campaign, paglalaan ng mas malaking pondo sa Anti-Retroviral Treatment at pagdadagdag ng Treatment Hub sa buong bansa.


Una rito inihayag ng United Nations AIDS na umaabot sa 36.7 million katao sa buong mundo ang apektado ng HIV sa taong 2016 at 19.5 million na taong apektado ng HIV ay kasalukuyang ginagamot at 5.1 million dito ay nasa Asia Pacific Region kabilang ang 270 libong bagong apektado noong 2016.

Facebook Comments