NADAGDAGAN | Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Basyang, umakyat na sa siyam

Manila, Philippines – Umakyat na sa siyam ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Basyang sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Romina Marasigan, apat sa mga biktima ang namatay sa pagguho ng lupa sa Surigao del Sur.

Landslide din aniya ang ikinamatay ng apat na iba pa habang nalunod ang isang 10-taong-gulang na bata.


Sinabi naman ni Marasigan na nasa 21,000 tao o halos 5,000 pamilya ang inilikas mula sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Bohol, at Cebu.

Sinabi pa ni Marasigan na nakararanas rin ng problema sa kuryente ang mga residente ng Siargao, lungsod ng silay sa negros occidental, at sa biliran dahil sa mga natumbang poste.

Hindi naman madaanan ang ilang kalsada sa Capiz, Surigao del Norte at Surigao del Sur dahil sa baha.

Pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Facebook Comments