Manila, Philippines – Umabot na ng 47 percent ang self-rated poverty sa bansa sa 3rd quarter ng 2017.
Batay sa latest survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS) katumbas ito ng 10.9 milyong pamilyang Pinoy na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Mas mataas ito ng tatlong puntos kumpara sa 44 percent o 10.1 milyong pamilya na naitala noong 2nd quarter.
Samantala, 7.4 milyong pamilya ang ikinokonsidera na ang pagkaing kanilang kinakain ay pang-mahirap na parehas sa naitala noong June 2017.
Ang survey ay isinagawa noong September 23 hanggang 27 sa 1,500 na respondents.
Facebook Comments