Manila, Philippines – Nanatiling mataas ang mga kaso ng violence against women sa Pilipinas batay sa inilabas na datos ng National Demographic and Health Survey o NDHS ng Philippine Statistics Authority.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco,isa sa limang kababaihan na may edad 15 hanggang 49 taong gulang ang nakakaranas ng physical violence.
Ito ay sa kabila na aktibismo laban sa gender-based violence , ang bilang ng mga kaso at mga insidente ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan at mga bata.
Sa pagtatapos ngayong araw ng paggunita ng 18-araw na kampanya para wakasan ang Violence Against Women ngayong 2017, sinabi ng DSWD na ang mga kampanya ukol dito ay dapat magpatuloy upang itaguyod ang paglikha ng isang violence-free community para sa mga kababaihang Pilipino.
Ang 18-day campaign para wakasan ang Violence Against Women ay pinasimulan noong Nobyembre 25 at nagtapos na ngayong araw at aktibong nakiisa ang DSWD.