Manila, Philippines – Umakyat na sa 28 barangay sa Metro Manila ang idineklara ng Dept. of Health (DOH) sa ilalim ng leptospirosis outbreak.
Una nang idineklara ng DOH ang outbreak sa 18 barangay sa mga lungsod ng Quezon, Taguig, Pasig, Parañaque, Navotas, Mandaluyong at Malabon.
Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – 10 barangay ang nadagdag at nagmumula ito sa Caloocan City.
Aniya, nasa 454 cases na ng leptospirosis ang naitala sa kamaynilaan at 58 na ang namatay mula January 1 hanggang July 5, 2018.
Paliwanag ng kalihim, mabilis kumalat at dumami ang kaso ng leptospirosisis sa mga lugar na maraming tao at bahain.
Umapela ang DOH sa publiko na mag-practice ng personal hygiene at magsuot ng proteksyon tulad ng bota kapag susuong sa baha.
Agad ding magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng sintomas ng sakit.