NADAGDAGAN | Mga apektadong pamilya dahil sa pananalasa ng bagyong Basyang, mas dumami pa

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Basyang.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan 4,889 pamilya o 21, 133 indbidwal ang napilitang lumikas dahil sa bagyong Basyang.

Ang mga ito ay tumutuloy ngayon sa 102 na evacuation centers.


Apat na indibidwal naman ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyo anim ang sugatan, nagpapatuloy naman ang ginagawang beripikasyon ng DILG para matukoy ang pagkakakilanlan ang mga nasawi.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 4,642 mga pasaherong stranded matapos hindi na payagang lumayag ang ilang pampasaherong barko at bangka sa Northern Mindanao, Eastern at Southern Visayas.

57 bahay naman ang naitalalang partially damage at 57 ang totally damaged dahil sa epekto pa rin ng bagyo.

Sa ngayon nanatiling naka-red alert ang operation center ng NDRRMC para patuloy na mabantayan ang mga lugar na sentro ng bagyong Basyang.

Facebook Comments