Manila, Philippines – Nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang American Marine Officer noong 2012.
Naaresto ang mga suspek na sina Galicano Datu III at Crispin Dela Paz Chong noong June 12 at 14 sa Mandaluyong at Marikina City.
Taong 2014 nang hatulan lang ng kasong homicide ang dalawa ni Makati Judge Winlove Dumayas dahil sa pagpatay kay US Marine Major George Anikow.
Nagtago umano si Datu sa isang condominium building sa Mandaluyong kasama ang kanyang live-in partner matapos na malaman na may arrest warrant laban sa kanya.
Habang si Chong ay nahuli matapos pang makipahabulan sa mga otoridad mula San Pedro, Laguna hanggang Marikina.
November 2012 nang mapatay sa saksak si anikow matapos na mamagitan sa away ng mga suspects at isang security guard sa labas ng exclusive compound sa Makati.