NADAMAY | 3-anyos na bata, kritikal matapos mabaril

Valenzuela City – Kritikal ang tatlong gulang na batang babae matapos na mabaril ng sariling tiyuhin sa Valenzuela City.

Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ang biktima na si Andrea Taborda dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa ulat, nag-away ang suspek na si Reynaldo Loberas at ang misis nito dahil sa selos kung sana kumuha ito ng shotgun para takutin ang asawa.


Pero pumutok ang shotgun at tinamaan ang bata na bumibili lamang sa tindahan.

Tinangka pang tumakas ng suspek pero nadakip din ito sa follow-up operation habang naka-check in sa isang hotel sa Caloocan City.

Facebook Comments