NADAMAY | 500 tao, apektado sa nangyaring chemical attack sa Syria – World Health Organization

Syria – Kinumpirma World Health Organization (WHO) na posibleng umabot sa 500 tao ang naapektuhan ng chemical attack sa Douma, Syria.

Ayon sa WHO, nakitaan ang mga nasabing pasyente ng mga simtomas ukol sa exposure sa toxic chemicals.

Kabilang sa mga simtomas ay respiratory failure, severe irritation of mucous membranes at disruption ng central nervous system.


Humihiling ngayon ang WHO ng ‘immediate unhindered access’ para makapagbigay ng tulong sa mga apektado.

Facebook Comments