NADAMAY | Lalaking umawat sa away, patay sa pananaksak sa Mariveles, Bataan

Bataan – Dead on arrival sa ospital matapos saksakin sa dibdib ng nakaalitan nito ang isang lalaki sa Barangay Cabcaben Mariveles Bataan, kagabi.

Sa report ng Mariveles PNP, kinilala ang biktima na si Rene Monares, 29 anyos, residente ng nasabing lugar.

Samantala ang suspek ay nakilalang si Rizal Avia, 49 anyos, nakatira rin sa kaparehong barangay.


Nabatid sa imbestigasyon ng pulis na umawat lamang ang biktima sa nakatalo ng suspek subalit siya ang binalingan nito at sinaksak.

Isinugod ang biktima sa Maheseco Hospital bago maideklarang dead on arrival.

Samantala sa follow up operation ng Mariveles PNP naaresto ang suspek at nakatakang kasuhan ng homicide.

Facebook Comments