NADAMAY | Tatlong menor de edad, sugatan sa pamamaril sa loob ng kanilang bahay

Cebu – Nasa maayos nang kalagayan ang tatlong menor de edad matapos tamaan
ng bala ng improvised shotgun na dapat sana ay para sa kanilang ama sa
Sitio Mananga 2, Talisay City, Cebu.

Sa ulat, nilusob ng suspek na si Ricky Bustillo ang bahay upang patayin ang
ama ng mga biktima na si Rolly Dayanan.

Agad na pinaputukan ng suspek ang ama pero ang mga anak nito ang tinamaan
kung saan nagawa naman maagaw ni Dayanan ang shotgun kaya tinamaan sa tiyan
at braso si Bustillo.


Agad na isinugod ang tatlong mga bata at ang suspek sa talisay district
hospital at kapwa nasa maayos nang sitwasyon.

Sa ngayon ay naka-hospital arrest si Bustillo habang patuloy itong
nagpapagaling.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments