NADAYA? | Apat na kandidato sa pagka-barangay kapitan sa Alicia, Quezon City, nagprotesta

Manila, Philippines – Nagprotesta sa Sto. Niño Parochial School ang apat na kandidato sa pagka-barangay kapitan sa Barangay Alicia, Quezon City.

Ito ay dahil umano sa talamak na vote buying at pandaraya ng katunggali nilang kandidato na siyang nangunguna sa bilangan.

Reklamo nila, landslide ang lamang ng kanilang kalaban mula barangay kapitan, kagawad hanggang sangguniang kabataan.


Desidido raw silang mag hain ng electoral protest at hindi sila papayag na may maiproklamang kapitan sa kanilang lugar hangga’t hindi na reresolba ang kanilang hinaing.

Samantala, kaninang 5:00 lang nang simulan ang bilangan ng boto sa Nagkaisang Nayon Elementary School sa Quezon City.

Nagkagulo kasi kagabi ang ilang botante matapos umanong isakay sa mga Commission on Election (COMELEC) mobile ang limang balota.

Pero paglilinaw ng QCPD, walang laman ang limang ballot box.

Facebook Comments