Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senador Bongbong Marcos na mayroon talagang anumalya sa nakaraang Presidential National Election dahil sa mga pira-pirasong mga ebidensiyang nakalap ng kanilang kampo.
Sa ginanap na Presscon sa Manila, ipinakita ni Marcos ang presentation na mga pira-pirasong ebidensiya na nagpatutunay na nagkaroon ng hukos pokus sa mga balota.
Paliwanag ni Marcos, nagtataka ang kanilang kampo kung bakit noong nakaraang buwan ay laging naantala ang pagbibigay ng kopya ng decryption at hindi nila alam kung ano ang ikinatatakot ng kampo ni Robredo at ayaw ibigay sa kanila ang printed copy ng resulta ng nakaraang halalan gayong nagbayad naman sila ng 3 milyon piso pero ibinigay ang soft copy naman kay Vice President Leni Robredo sa halip na kay Marcos.
Nagtataka rin ang kampo ni Marcos kung bakit tinatago ang ballot images na mayroon square at tatlong balota ay pare-parehong ballot number pero iba ang naman ang boto.
Giit ni Marcos hindi rin ipinaalam ng kampo ni Robredo sa mga kandidato dahil walang nakakaalam maliban sa Smartmatic kung bakit sila gumawa ng 8 Regional Hub na labag naman ito sa batas.