Nadine Lustre, itinanggi ang lumabas na balita na buntis siya

252

Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ng aktres na si Nadine Lustre ang lumalabas na balita na buntis siya.
Ayon kay Nadine, nagulat na lamang siya ng mabasa ito sa diyaryo kaya’t maging ang mga kaibigan at kaanak niya ay nagtatanong sa kaniya.
Dahil dito, nanawagan siya sa mga naglalabas ng mga ganitong balita na tumigil na dahil hindi na ito nakakatuwa kung saan hindi na din niya pinatulan ang ibang basher na nagsasabing hindi siya bagay na mag-number 1 sa FHM poll para sa 100 sexiest women ng 2017.
Bukod dito, ipinagtanggol din ni Nadine ang kaniyang boyfriend sa mga naninira sa career nito at ipinagdarasal na lamang niya ang mga taong may ayaw sa kanila.

Facebook Comments