Nadine Lustre, may bago nang boyfriend?

Usap-usapan ngayon ng netizens ang umano’y bagong pag-ibig ng aktres na si Nadine Lustre.

Napansin kasi ng fans na laging kasama ng aktres ang French guy na si Christopher Bariou na owner at co-founder ng isang online magazine na BE Siargao at managing director ng isang luxury resort sa nasabing isla.

Nakilala rin ni Nadine ang ilan sa mga lokal sa Siargao dahil kay Christopher.


Samantala, wala pang kumpirmasyon si Nadine tungkol sa totoong relasyon nila ni Christopher.

Huling nakarelasyon ni Nadine ang singer-actor na si James Reid kung saan naghiwalay ang dalawa noong 2020.

Facebook Comments