Nadine Lustre, nabiktima ng pagnanakaw sa California

152

Manila, Philippines –  Mistulang nabiktima ng April fool’s day angaktres na si Nadine Lustre habang nasa US tour kasama ang real-life boyfriendna si James Reid.

Sa isang twitter post, sinabi ni Nadine na nabiktima silang pagnanakaw makaraang basagin ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilangsasakyan sa California.

Dahil sa insidente, natangay ng suspek ang kanyang bag atdigital camera.

Nagawa pang magbiro ng aktres at manawagan sa sinumangnagnakaw ng kanyang gamit na isoli na lamang ito at kanya itong patatawarin.

 

Facebook Comments