Nadine Lustre, nagde-active sa social media

Showbiz – Nag-deactive ng kaniyang twitter account si Nadine Lustre dahil sa pangba-bash sa kanya ng ilang netizens, kasama na rito ang ilang naging fans niya.

Noong nakaraang August 4, hindi na matagpuan ang twitter account ni Nadine na @hellobangsie.

Nagsimula ang bashing kay Nadine dahil sa “live-in” issue nila ng kaniyang boyfriend na si James Reid.


Kapag sine-search ang twitter account niya, lumalabas ang “sorry, this account doesn’t exist anymore”

Naging trending din kasi ang pagsagot ni Nadine sa isang fan niya na nag-tweet na kapag may photo sila na kasama ang aktress ay lagyan daw ng sticker ang mukha nito.

Facebook Comments