Nadine Lustre, nagsalita na tungkol sa usap-usapang hiwalay na sila ni James Reid

337

Itinanggi ng aktres na si Nadine Lustre ang usap-usapang break na sila ng on-and off-screen partner na si James Reid.

Kasunod ito ng tanong sa kanya sa isang night time talk show kung saan napapabalitang nagkakalabuan na raw ang dalawa.


Say ni Nadine, naguguluhan siya sa mga tao.

Noong hindi pa raw sila, lahat ay gustong sila ang magkatuluyan at ngayong sila na ay tila pinaghihiwalay naman daw sila.

Inamin din ni Nadine ang pagpatol sa negative comment ng mga netizen pero sa pamamagitan ng pagjo-joke o light lang.

Facebook Comments