Nadine Lustre, sumigaw ng Darna

232
Screenshot via Youtube/Donnalyn Bartolome

Matunog sa social media ang pangalang Nadine Lustre na lumipad bilang Darna matapos umatras ang aktres na si Liza Soberano dahil sa kanyang finger injury. Maging ang kanyang long-time boyfriend na si James Reid pinupush siya na subukan ang role. Ayon sa binata, nakikita niyang may similarities sina Nadine at Darna.

Kaya naman naging patok sa mga netizens ang video ni Nadine na sumisigaw na Darna. Inupload ng singer na si Donnalyn Bartolome sa kanyang Youtube channel na kunyaring hinahanap ni Nadine ang bato at sabay sigaw ng Darna. Sa una, mapapansin na nag-aalangan pa ang dalaga na gawin ang hamon, pero naging game din sa huli.


Kung sakaling ibibigay sa kanya ito ng management, tatanggapin niya ito ng buong-puso. Pero aminado siya na mabigat ang landas na kanyang tatahakin. On-going pa rin ang Star Cinema sa paghahanap ng susunod na Pinay superhero.

Sa kasalukuyan, nasa 132,742 views at 15,000 likes ang video.

Facebook Comments

From Advertisers