Very thankful pa rin ang aktres na si Nadine Samonte kahit na dumaranas ng struggles sa kaniyang pregnancy journey sa ikatlong baby.
Ito ay matapos ma-diagnose si Nadine na may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) o kondisyon na nakakaapekto ng hormone levels at Antiphospholipid Syndrome (APAS) kung saan disorder sa immune system na maaaring magkaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis.
Pero sa kabila nito ay proud pa rin niyang ibinahagi sa kaniyang Instagram ang kaniyang baby bump kasama ang mga sugat at pasa mula sa itinuturok na gamot kung saan itinuturing pa rin niya itong isang malaking blessing.
Say ni Nadine, malaki rin ang pasasalamat sa Panginoon dahil kahit noong una ay hindi nito pinabayaan ang kaniyang pamilya.
Matatandaang una nang ibinahagi ni Nadine na muntik nang mawala ang kaniyang panganay dahil sa nasabing mga sakit.