NADISKUBRE | Mga bar sa Metro Manila, nagsisilbi pa rin na lungga ng iligal na droga – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Nagsisilbing lungga pa rin ng iligal na droga ang mga bar sa Metro Manila.

Ito ang nadiskubre ng Philippine National Police matapos ang ginawang pagsalakay sa time bar sa Makati City kamakailan.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Police Director Guillermo Eleazar pupulungin niya ang mga Management ng mga kilalang bars sa Makati, BGC, Quezon City at iba pang lugar sa Metro Manila upang muling hilingin ang kanilanb suporta sa kampanya kontra iliga na droga.


Magsisilbing babala na rin ito sa kanila, na sa oras na may iligal na droga sa kanilang mga bar gaya sa Time Bar sa Makati ay ipasasara din agad ang mga ito.

Naging kontrobersyal ang Raid sa Time Bar dahil maliban sa ibat ibang uri ng Illegal Drugs na nakumpiska na nagkakahalaga ng halos 2 Milyong piso ay inaresto din ng mga pulis ang tatlong abogado ng isa sa mga may ari ng Bar dahil sa umano’y pakikialam sa kanilang trabaho.

Facebook Comments