NADISKUBRE | Naaagnas na bangkay ng retiradong US army, nadiskubre

Quezon City – Isang naaagnas nang bangkay ng retiradong U.S. army ang natagpuan sa isang paupahan sa Barangay Paang Bundok, Quezon City.

Kinilala ang nasabing bangkay na si Wilson Tan.

Ayon sa may-ari ng apartment na si Alejandro Cruz, Sabado pa nang umalingasaw ang mabahong amoy mula sa kwarto ni Tan.


Inakala nila na patay na daga lang iyon pero nang mapansing ilang araw nang hindi nila nakikita si tan ay nag-report na sila sa pulisya.

Hindi alam ni Cruz kung may kamag-anak dito sa Pilipinas si Tan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng retiradong sundalo.

Facebook Comments