NADISKUBRE | Truck na sangkot sa aksidente sa Santa Rosa Laguna, hindi rehistrado sa LTO – DOTr

Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang truck modernization.

Ito ay kasunod ng malagim na aksidente sa Santa Rosa, Laguna na ikinamatay ng anim na katao.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na taong 2000 pa ang year model ng 14-wheeler trailer truck na umararo sa 16 na sasakyan.


Inirehistro rin ito bilang pribadong sasakyan noong 2016 at hindi ni-renew ng LTO ang rehistro nito noong 2017 at 2018.

Ayon sa DOTr, layunin ng modernization na mabawasan ang polusyong idinudulot ng mga lumang truck at matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DOTr sa pamilya ng mga biktima at tiniyak na nakatutok ang LTO sa imbestigasyon.

Facebook Comments