
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na malaki ang maitutulong ng bagong tuklas na natural gas resorvoir sa Malampaya East 1 (MAE-1).
Tinatayang may 98 bilyong cubic feet (BCF) ng natural gas ang natuklasan sa Malampaya E-1, na may initial test flow na 60 million cubic feet kada araw.
Ayon sa DOE, patunay ito na epektibo ang sustained at science-based exploration sa pagpapalakas ng pangmatagalang seguridad sa enerhiya ng bansa.
Pinuri ni Energy Secretary Sharon S. Garin ang kakayahan ng mga Philippine miner sa tagumpay ng proyekto at iginiit na mahalaga ang maaasahang suplay ng kuryente para sa mga tahanan, negosyo, paaralan, ospital, at komunidad.
Kinilala rin ng DOE ang Service Contract 38 Consortium na pinamumunuan ng Prime Energy Resources Development B.V., katuwang ang UC38, PNOC Exploration Corporation, at Prime Oil and Gas, Inc.
Ang Malampaya-East-1 ang unang malaking milestone ng Malampaya Phase 4 Drilling Campaign, kasunod ng Camago at Bagong Pag-asa wells.










