NAG-AALBURUTO | Mt. Supotan, pumutok sa Sulawesi, Indonesia

Indonesia – Hindi pa man nakakabangon ang isla mula sa lindol at tsunami, isa na namang natural calamity ang haharapin ng Sulawesi, Indonesia.

Pumutok kasi ang bulkang Mount Soputan na nasa hilagang bahagi ng isla ng Sulawesi.

Nagbuga na ito ng ash cloud na may apat na kilometro ang taas. Sa kabila nito, wala pa namang utos na ilikas ang mga residente na nakatira malapit sa bulkan.


Kung magpapatuloy ang pag-aalburuto ng Mount Soputan malaking problema ito sa Sulawesi dahil sa pinsalang idinulot ng lindol at tsunami lalo na sa lungsod ng Palu.

Puspusan pa rin ang ginagawang search and rescue operations ng Indonesia sa mga nawawala at posibleng natabunan ng mga gumuhong mga gusali.

Sa huling tala, nasa 1, 407 ang kumpirmadong nasawi pero inaasahang tataas pa ang bilang na ito.

Facebook Comments