NAG-AALBURUTONG BULKAN | AFP Southern Luzon Command, naka-stand by alert na

Albay, Philippines – Naka-stand by alert na ang AFP Southern Luzon Command sa posibleng pagputok ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Co. Teody Toribio, ang tagapagsalita ng SOLCOM, naka-prepositioned na ngayon ang Disaster Response Personnel and Mobility Assets ng 9th Infantry Division, Tactical Operations Group 5 at Naval Forces, Southern Luzon sa Camp Simeon Ola, sa Legazpi City.

Ito ay para sa posible pa ring pre-emptive evacuation sa mga nakatira sa 6-8 kilometer Permanent Danger Zone mula sa bulkang Mayon.


Patuloy naman nakikipag-ugnayan ang Civil-Military Operations Officer ng 901st Infantry (Fight ‘Em) Brigade sa ilalim ng Task Force Sagip sa Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) para sa mga updates at response operations.

Sa panig naman ng Philippine National Police, trabaho nila ngayong bantayan ang mga naiwang bahay ng mga evacuees at pagbawalan muna ang mga lumikas na residente na bumalik sa kanilang bahay.

Facebook Comments