Albay, Philippines – Nagdagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umaabot na ngayon sa 83,533 indibidwal o katumbas ng 21, 733 pamilya ang apektado dahil sa sunod sunod na pagsabog ng bulkang Mayon.
Kahapon nakapagtala lamang ng mahigit ng 71, 000 indibidwal, ibigsabihin labing dalawang libong indibidwal ang nadagdag sa mga naapektuhan.
Sa mga apektadong pamilya 17,490 pamilya o 66,442 indibidwal ang ngayon ay nanatili sa 67 designated evacuation centers.
Habang 2, 176 pamilya o 90,589 na indibidwal ang nakatira sa kanilang mga kamag-anak.
Sa ngayon umaabot na sa mahigit 32 milyong piso halaga ng mga food at nonfood items ang naitulong na sa mga apektadong pamilya.
Tiniyak pa rin ng NDRRMC na may sapat pa silang pondo para ibigay sa mga naapektuhan at maapektuhan pang pamilya dahil sa nararanasan kalamidad ng mga taga-Albay.