Albay, Philippines – Pumalo na sa mahigit 74,000 tao ang bilang ng mga nasa evacuation center dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 74,224 na ang mga indibidwal na nagsilikas sa permanent danger zone o katumbas ng 19,407 na pamilya.
Aabot naman sa 72 evacuation centers ang inokupa ng mga bakwit na sakop ang nasa 60 barangay.
Inaasahang tataas pa ang nasabing bilang dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkan.
Facebook Comments