NAG-AALBURUTONG MAYON | Apektadong pamilya, umabot na sa halos 10,000 pamilya

Albay, Philippines – Umakyat na sa halos sampung libong pamilya ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 9,480 pamilya o katumbas ng 38, 939 indibidwal ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ang mga ito ay mula sa 36 na barangay sa mga lalawigan ng Camalig, Guinobatan, Ligao City, Daraga, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, at Legazpi City.


Nanatili ang mga evacuees ngayon sa 30 mga evacuation centers.

Umaabot na rin sa halagang mahigit 5 milyong piso ang naitulong ng DSWD at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang lumikas.

Facebook Comments