Manila, Philippines – Napawi bahagya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko kaugnay sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS – mukhang malabo kasing mauwi sa pagsabog ang Mayon.
Sa latest monitoring kasi ng PHIVOLCS – bumaba ang naitalang rock fall events o pagguho ng malalaking bato mula sa bulkan.
Mula sa 48 rockfall kahapon, nakapagtala na lamang ng 24 rock fall at isang volcanic earthquake ang seismic monitoring network ng PHIVOLCS sa nakalipas na bente kuatro oras.
Bumagal na din ang pagdaloy ng lava na umabot na sa layong tatlong kilometro.
Sa kabila nito, nanatili pa rin na nakataas ang alert level 3 at pinaaalahanan ang mga residente at mga turista na huwag pumasok sa itinakdang 6km permanent danger zone at sa 7km extended danger zone.