NAG-AALBURUTONG MAYON | Bulkan, muli nanamang sumabog ngayong hapon

Albay, Philippines – Muli na namang sumabog ang bulkang Mayon ngayong hapon.

Alas dos kaninang hapon nang magbuga na naman ng abo at pyroclastic materials ang bulkan.

Nabatid na apat hanggang limang oras ang pagitan ng mga pagsabog.


Sa kabila nito, nananatili pa ring nakataas sa alert level 4 ang bulkang Mayon.

Samantala, ikinababahala naman ng PHIVOLCS ang mga naiipong abo sa itaas ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburuto nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Albay PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta na posibleng magdulot ng lahar flow ang mga naipong abo sa itaas ng bulkan pagsapit ng tag-ulan.

Hindi pa rin inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon pa ng mas malakas na pagsabog ang bulkan.

Facebook Comments