Albay, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon kaninang 11:56 ng tanghali.
Kaya naman muling nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa panganib na dala ng bulkan, lalo na’t ayon sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nasa critical stage na ang kalidad ng hangin sa Albay.
Sabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, consistent pa rin ang pamamaga ng bulkan at posibleng anumang araw ay magbuga ito ng mas maraming abo, lava at iba pang volcanic materials.
Pero sa kabila nito, normal pa rin ang operasyon ng Legazpi City Airport at lalo pang tumaas ang tourist arrival sa Albay.
Facebook Comments