Manila, Philippines – Posibleng sumabog anumang araw mula ngayon ang bulkang Mayon kasunod ng patuloy na pagbuga ng makakapal na usok at abo nito.
Sabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, kung ikukumpara sa mga nakaraang aktibidad ng bulkan, malabnaw na ang magma ng bulkan.
Ibig sabihin nito aniya, mas mabilis nang makaka-akyat ang magma sa tuktok dahil sa pagiging malabnaw nito.
At dahil itinaas na sa alert level 3 kailangan nang lumikas ng mga residenteng nasa loob ng 6 kilometer danger zone na paligid ng bulkang Mayon.
Facebook Comments