NAG-AALBURUTONG MAYON | DENR, nagbabala sa maduming hangin na binubuga ng bulkan

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga residente sa may danger zone sa Albay sa maduming hangin kaugnay ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Jerry Capulong, OIC Chief- Air Quality Management Bureau, nakapagtala sila sa Guinobatan, Albay ng 423 microgram na total suspended particulates o dust particles. Ito ay mas mataas sa standard na 230 microgram.

Ito ay batay sa monitoring sa Air Quality Index noon pang January 17 at 18.


Inaasahan na mas matindi na ngayon ang dumi sa hangin doon bunsod ng pagputok na ng Bulkang Mayon.

Sa ilalim ng naturang kategorya, maituturing ng very unhealthy ang hangin na magdudulot ng respiratory illness o sakit sa baga.

Pinayuhan ni Capulong ang mga residente sa northeast down wind sa Guinobatan na lumayo na o huwag nang lumabas ng mga bahay o kaya ay bumiyahe.

Magsuot na rin aniya ng dust mask o basang bimpo bilang proteksyon.

Facebook Comments