NAG-AALBURUTONG MAYON | DOH, may paalala sa mga residenteng nakatira malapit sa mga aktibong bulkan

Albay, Philippines – Kasabay ng pagaalburuto ng bulkang Mayon sa Albay, nagpaalala ngayon ang Department of Health sa mga residente na malapit sa aktibong bulkan na manatiling alerto at makibalita sa pinakahuling aktibidad ng bulkan.

Sa public advisory na inilabas ng DOH, ang ibinubugang abo ng mga bulkan o volcanic ash, ay maaaring magdulot ng sakit sa baga tulad ng bronchitis, hirap sa paghinga, ubo, iritasyon sa ilong, mata at lalamunan, minor skin problems at mga aksidente na sanhi naman ng poor visibility sa kalsada at pagiging madulas ng daan.

Ayon sa DOH, upang maiwasan ang mga ito, makabubuting i-minimize ang exposure sa volcanic ash.


Manatili sa loob ng bahay at panatilihing nakasara ang mga pinto at bintana.

Magsuot ng eye glasses at goggles para maproteksyunan ang mata.
Basain ang mga abo na nasa paligid ng tahanan o bubong, upang maiwasan na itong sumama sa hangin.

Gumamit ng dust mask.

Basain ang mga kurtina upang di makapasok ang abo sa tahanan.

Pinakaimportante pa rin ayon sa DOH ang makinig at sumunod sa mga payo ng mga awtoridad sa lugar.

Facebook Comments