Manila, Philippines – Round the clock na ang pagtutok ng Department of Health (DOH) upang matiyak ang maayos na kalusugan ng mga evacuees ng Bulkang Mayon.
Nasa 326 mga doktor, nurse, midwives at iba pang mga health workers ang naka-monitor ngayon sa mga residente ng Camalig, Guinobatan, Daraga, Tabaco City, Malilipot, Legaspi City at Ligao City sa Albay.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, hindi pa rin nila inaaalis ang Code Blue Alert at Oplan Mayon Operation upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga libo-libong evacuees.
Bukod sa National Office, mayroon na din ipinadala ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital at Bicol Medical Center ng mga Health Workers upang tumulong sa mga nagkakasakit na mga evacuees sa Bicol Region.