Albay, Philippines – Umabot na sa halos 190 milyong piso halaga ang napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na pagaalburoto ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.
Batay sa datos na inilibas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC karamihan sa lubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkang ay ang mga taniman ng palay, mais at abaca.
Kabilang naman sa mga lugar na lubos na napinsala ang pananim ang mga sakahan ay sa Tabaco, Bacacay, Malilipot, Sto Domingo, Legazpi, Daraga, Camilig, Guinubatan, Ligao, Polangui at Oas sa lalawigan ng Albay.
Nanatili naman sa mahigit 18 libong pamilya ang nananatili ngayon sa 74 na evacuation centers na ngayon ay patuloy na binibigyan ng ayuda ng pamahalaan.
Facebook Comments