NAG-AALBURUTONG MAYON | Halos 6,000 evacuees sa Albay, nagkakasakit na

Albay, Philippines – Umabot na sa halos anim na libong evacuees ang tinamaan ng iba’t ibang uri ng sakit sa mga evacuation center sa Albay.

Sa datos ng Department of Health, sa mga nagkasakit, nangunguna pa rin ang kaso ng respiratory infection o sakit sa baga.

Sa bilang, 3,984 ang nagkaroon ng respiratory infection, kasunod ang lagnat na may bilang na 798.


May 520 ang naitala na may high blood pressure, 323 ang nagka-diarrhea at 268 naman ang ginamot dahil sa mga sugat.

Ang pagkakasakit ng mga evacuees ay sinasabing resulta ng siksikang mga evacuation centers at dahil na rin sa abo na ibinubuga ng Mayon.
<#m_4840722191208046196_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments