NAG-AALBURUTONG MAYON | Higit 26 libong food packs, inaasahang darating sa Albay

Albay, Philippines – Nasa 26, 824 na karagdagang family food packs pa mula sa Central Office ng DSWD ang inaasahan darating sa Albay, para sa mga residenteng nananatili ngayon sa mga evacuation sites, bunsod ng pag-aalboro ng bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, nasa higit 50 libong family food packs at mga non-food items na ang naipamahagi ng DSWD.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Leyco, sa mga volunteers, NGOs at mga grupo na patuloy na nagpapadala ng suporta para sa mga nagsilikas na mga residente sa Albay.


Facebook Comments