NAG-AALBURUTONG MAYON | Higit 5,000 pamilya, lumikas

Albay, Philippines – Nagdagdagan pa ang mga pamilyang lumikas dahil sa posibleng pagputok ng bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC umakyat na sa 5,318 na pamilya o 21,823 indibidwal ang lumikas na.

Ang mga ito ay mula sa 25 barangay ng Camalig, Guinobatan, Ligao City, Daraga, Tabaco City at Malilipot sa lalawigan ng Albay.


Nanatili ang mga ito ngayon sa 18 evacuation centers ang mga pamilyang lumikas.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 124,000 ang naitulong na ng lokal na pamahalan ng malilipot Albay sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa alburuto ng bulkang Mayon.

Facebook Comments