NAG-AALBURUTONG MAYON | Ilang flights biyaheng Legazpi, kinansela

Legazpi City – Dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, nagkansela na ang Cebu Pacific ng ilang sa kanilang biyahe patungong Legazpi City.

Simula ngayong araw, February 1 hanggang sa Sabado, February 3, kanselado ang mga biyaheng 5J 321 at 5J 322 o Manila-Legaspi-Manila.

Bukas naman, kanselado ang mga biyaheng 5J 327 at 5J 328 o Manila-Legaspi-Manila.


At sa Sabado, 5J 325 at 5J 326 o Manila-Legaspi-Manila at biyaheng DG 6206 at DG 6207 o Cebu-Legaspi-Cebu.

Inabisuhan naman ng airline company ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanila para sa rebooking o refund.

Facebook Comments