NAG-AALBURUTONG MAYON | Kongresista, hiniling ang agad na pagtatayo ng evacuation centers

Manila, Philippines – Bunsod ng pagsabog ng Bulkang Mayon, hinimok ni Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe ang gobyerno at mga Local Government Units na magtayo ng temporary evacuation centers.

Hiniling ni Batocabe ang pagtatayo ng Temporary Living Quarters (TLQ’s) para tuluyan ng matigil ang paggamit sa mga paaralan na evacuation centers.

Sa tuwing classroom ang nagsisilbing evacuation center ng mga biktima ng kalamidad, nagmimistulang temporary learning space ang mga silid-aralan at nawawalan ng lugar ang mga estudyante at guro para sa pag-aaral.


Hindi aniya idinesenyo ang mga classrooms para tugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees na karaniwang nagsisiksikan, nag-aagawan sa espasyo, bentilasyon, tubig, at nagkakasakit sa mga temporary evacuation centers.

Iginiit ng mambabatas ang agad na pagpapatayo ng mga evacuation centers lalo na sa mga unpredictable calamities katulad na lamang ng pagsabog ngayon ng Mt. Mayon sa Bicol Region.

Facebook Comments