NAG-AALBURUTONG MAYON | Lava flow, na-monitor 3 kilometro ang layo mula sa crater ng bulkan

Manila, Philippines – Namonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paglabas ng lava tatlong kilometro mula sa crater ng bulkang Mayon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan namonitor ito kaninang umaga ng mga eksperto.

Ang lava flow ay nakita sa bahagi ng Barangay Miisi, Daraga.


Dahil dito agad na nagpatupad ng forced evacuation sa Daraga at Legaspi Albay.

Nakabantay na ngayon ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa lugar para matiyak na hindi na babalik pa sa kanilang lugar ang mga residenteng lumikas dahil mapanganib na ito.

Nakapagtala na ang NDRRMC ng kabuuang 3,061 pamilya o 12,044 katao ang lumikas sa Camalig, Guinobatan, at Malilipot Albay dahil sa pagaalburoto ng bulkang Mayon.

Facebook Comments