Albay, Philippines – Mahigit labing dalawang libong na tao ang lumikas na dahil sa inaasahang pagputok ng bulkang Mayon.
Umaabot na sa labing dalawang libo at apatnaput syam na tao o mahigit tatlong libong pamilya ang napilitang lumikas sa lalawigan ng Albay.
Ito ay dahil sa inaasahang pagputok ng bulkang Mayon matapos itong bumuga ng abo nitong weekend.
Ayon kay NDDRMC Spokesperson Romina Marasigan, nanatili ngayon sa pitong evacution centers ang mga pamilyang lumikas.
Ang mga lumikas ay mga taga Camalig at Guinobatan.
Habang kaninang umaga ay nakaranas ng lava flaw sa paligid ng bulkan Mayon dahil dito maging ang mga mga residenteng nakatira sa Barangay Maisi Daraga Albay ay napilitan na rin lumikas.
Sa ngayon nakatutok na ang NDRRMC sa pagbibigay ng pangangailan ng mga evacuees dahil inaasahan magtatagal aniya ng buwan ang mga ito sa mga evacuation centers
Maliban sa ipinatupad na forced evacuation, maging ang mga livestock ay inilikas na rin upang matiyak na magiging maayos pa rin ang kabuhayan ng mga residenteng apektado ng posibleng pagputok ng bulkang Mayon.